Spur – Lyrics by Myself

I created the words for this instrumental song by Depapepe around 2 years ago (September 2008). I finished the lyrics while I was having a business trip in Japan.

Spur
I.
Mula nang makilala ka
Ako’y labis na natuwa
Ang mundo ko ay nagbago
Kinulay mo ang buhay ko
Minsan ako’y nagtataka
Anong meron sa’yo sinta
Ako’y mukhang nagagalak
Kung kasama kang naglalakad
Refrain
Lahat ay gagawin upang di mawalay sa’yong piling
Sinusundan ka ng tingin basta’t di mo napapansin
Sinusulyap bawat galaw kahit ika’y sumasayaw
Nakikinig sa sinasabi mo kahit na maikli
Pagka’t hinihinta’y iyong ngiti
Chorus
Pag-ibig ko sa’yo
Ay di na magbabago
Kahit lumipas man ang panahon
Sa’yo lang nakatuon
Sadyang wala na ngang iba
Ikaw sa akin ay nakakaiba
Buong isip, puso’t kaluluwa
Ay alay ko sa’yo sinta
II.
Ang puso ko’y nahulog na
Sa ‘yong tamis na pagsinta
Iyong mata’y kumikislap
Hatid sigla na kay sarap
Refrain
Lahat ay gagawin upang di mawalay sa’yong piling
Sinusundan ka ng tingin basta’t di mo napapansin
Sinusulyap bawat galaw kahit ika’y sumasayaw
Nakikinig sa sinasabi mo kahit na maikli
Pagka’t hinihinta’y iyong ngiti
Chorus
Pag-ibig ko sa’yo
Ay di na magbabago
Kahit lumipas man ang panahon
Sa’yo lang nakatuon
Sadyang wala na ngang iba
Ikaw sa akin ay nakakaiba
Buong isip, puso’t kaluluwa
Ay alay ko sa’yo sinta
Bridge
Lahat ay gagawin upang di mawalay sa’yong piling
Sinusundan ka ng tingin basta’t di mo napapansin
Sinusulyap bawat galaw kahit ika’y sumasayaw
Nakikinig sa sinasabi mo kahit na maikli
Pagka’t hinihintay pawang anghel mo na ngiti
Last chorus
Pag-ibig ko sa’yoy
Hinding-hindi maglalaho
Kahit dumaan pa ang ilang bagyo
Ikaw ang buhay ko
Ikaw ang nais ko giliw
Pagka’t sa piling mo’y di magmamaliw
Pag-ibig na alay sa iyo
Nawa’y pagkaingatan mo
Sa bawat oras na
Ikaw ay aking pinagmamasdan
Damdamin ko sa’yoy nasasabik
Hangad iyong halik
Pangarap kong mayakap ka
Parang langit na kapag kapiling ka
Isisigaw ko sa mundo
Mahal kita
Mahal kita(4x)
Mahal kita…
Advertisements